Wednesday, December 16, 2009

December

I am 24. And I don't know why it worries me. The reason of our existence in this world is providing the constant lull in the corporate design of the Master.

Sometimes, I think, I am at the edge of the cliff, waiting to fall any minute. Yet, I am holding my other foot in place, tightly nailed to the ground.Life is unfair. But I am so used to it.

When I see the stars in a night sky, I feel the desire to glow in the midst of darkness. But how many times have I considered the madness of the idea? I lost counts.

When I was a kid, I told myself, that I am going to reach for the sky. But I keep on faltering. I keep being thrown in the ground. Yet, I keep on picking myself up. It is always a challenge to see myself grabbing the edge of my dreams. It strengthens me. The feeling that I am 'almost there' pushes me to strive harder, and win. After all, I am a fighter, and a good one.

But like any other fighter, I am badly bruised. Soiled. My soul is echoing the distant cry, the call that I have so long ignored.

When I said that I don't know why being 24 worries me, I am lying. I fully know how the number is constantly reminding me of all the obstacles in the past that seems to extends in the present. Everything seems so far away. I could hardly see the light at the end of the tunnel. And being badly bruised as I am, I couldn't find the right pain reliever anymore. It is starting to get into my senses. And yes, I am so afraid.

Why does being 24 bothers me? I love the independence. I love the smell of the cold winds. But I am getting burned by the fire of the sun. What have I got after all these years? What have I proven after all my battles? I am not sure. The uncertainties are killing me.

I am 24. And this, they call, is the Quarter Life Crisis.

Sunday, November 15, 2009

Galit ako sa'yo..

Hindi kita masyadong nami-miss. Iniisip ko kung dahil nasanay na ba ako na wala ka or wala lang talaga akong kwentang tao? Kapag tinatanong ako kung ano gagawin ko kapag nakita kita, hindi ako sumasagot. Kasi hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Galit ako sa'yo. Kasi sinira mo ang lahat ng bagay na natitira sa atin. Galit ako sa'yo. Kasi hindi mo man lang ako namis nung nawala ka. Galit ako sa'yo. Kasi hindi kami ang pinili mo.

Ilang taon na ba tayo hindi nagkikita? Alam mo ba na galit ako sa'yo kaya kahit isang text man lang wala ako natatanggap? Hindi naman ako nagbago ng numero. Wala man lang kahit isang Happy Birthday. Alam mo pa kaya kung kailan ang birthday ko?

Kapag nakakapanood ako sa tv ng mga bagay na nagpapaalala sayo, iniisip ko kung bakit hindi ka na lang naging tulad nila. Ayos naman tayo dati, di ba? Alam ko, hindi tayo masyadong close. Sabi mo pa nga, bato kasi ako. Walang emosyon. Siguro kasi, bata pa lang ako, natanggap ko na hindi ako ang paborito mo. Hindi kasi ako sweet, matigas ang ulo ko, hindi kita sinusunod. Pero kahit ganun naman ako, alam mo naman siguro na mahal kita?

Namimis na kita. Namimis ko na kapag pinagluluto mo ako. Namimis ko na kapag ginigising mo ako tuwing umaga. Namimis ko na kapag nagagalit ka sa akin tuwing hindi ako umuuwi ng maaga. Namimis na kita. Pero, ako kaya namimis mo?

Kung naging mabait ba ako, masunurin, at sweet, hindi ka ba sana aalis? Kung pinigilan ba kita, nagpapigil ka kaya?

Sana nandito ka ngayon.

Thursday, October 29, 2009

Gusto ko.

Masaya ako pag nakikita kita. Hindi ko alam kung bakit, pero napapangiti ako pag naririnig ko ang boses mo. Kinuwento ko nga sa friend ko na may gusto ako sa'yo, at tinanong niya ako kung bakit. Sabi ko, kasi mukhang cool ka, mukha kang mabait at mukhang passionate ka sa ginagawa mo. Isa pa, mukhang mapapatawa mo ako palagi. Ganun lang naman ako kababaw. Matawa lang ako ng konti, ayos na ako!

Naririnig ko lang yung pangalan mo, hindi talaga kita kilala. Dati nga, nadadaan-daanan lang kita. Hindi ko alam kung bakit biglang isang araw, nate-tense na ako pag malapit ka. Ang weird ko nga, pag nagkakasalubong tayo ng tingin, hindi ako makangiti, lagi akong nakasimangot. Ewan ko ba, initial reaction ko na yata iyon.

Ang dami ko gusto sabihin sa'yo, ang dami ko gusto ikwento. Pero hindi pa kasi tayo close. Ayoko naman na ako pa gumawa ng move para maging close tayo. At ininvite na nga kita sa FB, tama na iyon.

Dahil sa'yo, nagkaroon ako ng new friend, ikaw talaga ang una niya naisip nung sinabi ko na ma-chix yung gusto ko. Napa-type tuloy ako ng mabilis sa chatbox. Hindi naman daw talaga ma-chix, at binawi niya talaga ang pronouncement niya. Nung sinabi niya sa akin na maysakit ka, nalungkot ako at nag-worry. At nung sinabi niya na medyo sakitin ka dahil mahilig ka mag-diet. Gusto kita lapitan nung makita kita ulit. Gusto ko sabihin sa'yo na "Wag ka mag-diet, labs pa rin naman kita!" Ang lakas ng tawa ko nung pinag-uusapan ka namin ng friend ko. Sabi nga niya, libre naman mangarap.

Gusto kita.

Gustung-gusto kita,

Pero...


Hindi kita kayang abutin. :C

Saturday, August 29, 2009

Is-blog

Try ko lang mag-blog gamit ang opera mini sa telepono ko. :)

It's been a while since my last entry. Ni wala akong kwento about my first anniversary sa company, or dun sa out of town trip namin nina Jelai at Paula. Aba, masyado ba akong busy? Uninspired?

July 28, 2009
Isang taon na kami. Kami na mga ka-batch ko sa aming work. At ang matagal-tagal na ni-planong dinner ay nag-worry ako na baka hindi matuloy. Yung iba kasi, tentative, yung iba naman, ndi nagpaparamdam. Buti na lang, on the day itself, marami naman ang nagpunta. Nag-dinner lang kami sa malaking mall (read: Pioneer) at pagkatapos ay nagkwentuhan nang nagkwentuhan nang nagkwentuhan.

July 31, 2009
Ang pinagplanuhan naming Potipot trip ay hindi na drawing lang. At nag-leave talaga kami ng araw na ito para lang matuloy, heheh. Ang haba ng byahe, grabe. Sa papunta pa lang, halos 6hrs kami sa bus patungong Zambales. Finally, nakarating kami and stayed on Sun Bloom resort. Ang bait nina Nanay Mercy. Inalagaan talaga kami dun, at ang sarap niya magluto, in fairness. Yung resort, beach front mismo, kaya lang, maitim yung sand. Para makarating kami sa Potipot mismo, kailangan namin na mag-bangka pa. And heavens, ang ganda ng place. Maliit lang yung island. Pero nung nakita ko ung bluish water, ung white sand, naisip ko, it's worth the long trip.

Ang next stop namin ay this coming October. Hindi pa sure kung sa Anawangin ba or sa Aurora (Dinadiawan). Planning stage pa lang. Sana matuloy. Sa November with classmates, sa Bolinao, Pangasinan ang initial plan namin. Sana madami sumama para masaya.

Birthday wishes
Yung huli kong blog entry, nung birthday ko pa, at sa tatlong birthday wishes, isa na yung sure na hindi ko makukuha - 1 down, 2 to go. Sana makuha ko. Sana manalo ako. Malalaman next week kung good news ba, or another set of bad news.

In general, masaya naman ako. Kahit I got this bad news this August, inisip ko na lang, baka hindi para sa akin yun. Ohwell, some things are not meant to be. I know, meron greater gift na inihahanda sa akin si Lord. :)

Tuesday, June 9, 2009

Birthday ko. :)

Birthday.

Status sa Facebook: Sheena dela Cruz ay tenk yu ng tenk yu. :)

Sunday night. Hindi ako makatulog, hindi ko alam kung hinihintay ko lang ba talaga ang birthday ko o hindi talaga ako antukin dahil nagtulog lang ako pagkatapos ko mag-dvd marathon. When clock ticked 12mn, surprisingly, tinext ako ni friend. I didn’t expect na maaalala niya ang birthday ko, considering na alam ko na makakalimutin yun sa dates. Yet, I’m really glad. Interestingly enough, after receiving the message, nakatulog ako.

Pagdating ko sa opis, hindi naman ako nag-e-expect na maalala ng opismates ko na bertdey ko. And been glad when I received email greetings from various people.

I ordered Pizza para sa mga ka-team ko, and they bought me ice cream. Maaga pa lang, nagpaalam na ako na uuwi ako ng maaga. Mag-di-dinner kami ng mga friends/classmates ko sa Pioneer. At 7pm, kumpleto naman ang mga invited – Jelai, Bing, Zeus, EA, Lester, Kath, Ronald, Mark, Paula at Grace. Nag-dinner kami sa Shakey’s. Waw. Pizza sa merienda, pizza sa dinner. Hahaha! At may dala silang gift – cake from Red Ribbon. Si Zeus, may dala din na cake from Goldilocks. Hahah! Bongga!

Pinadala namin kay Bing yung Red Ribbon na cake para i-merienda namin today. At inuwi ko naman ang Goldilocks na kinain ko ang slice for breakfast.

Nakakatuwa lang yung mga nakaalala ng birthday ko. Some people even said na ‘Kala mo, nakalimutan ko birthday mo, noh?” Some people I didn’t really expect to remember. Some people, I thought would remember, but perhaps, naging busy lang. Or baka hindi na ako bahagi ng buhay niya. Sad but true.

Birthdays. Masaya pa din mag-celebrate ng birthdays. Lalo na kung kasama ang mga taong bahagi ng buhay mo. Minsan, alam natin na hindi lahat ng bagay at tao ay mananatili sa mga buhay natin. May mga taong darating, aalis, at mga taong sadyang napadaan lang.

Tinanung ako ng Team Lead ko kung ano birthday wish ko. Sabi ko, secret. Todo ngiti.

Pero nung tinanung niya ako, isang salita lang pumasok sa utak ko. September.

Sana makuha ko yung tatlong wishes ko sa September.

Sana. :)

Thursday, May 28, 2009

Taken

Gusto ko i-congratulate ang sarili ko, tuwing lumalapit ka at nakakatingin ako sa'yo ng deretso. O yung nakakasagot pa ako sa mga pang-aasar mo. Feeling ko, ang galing kong artista tuwing nangingitian kita habang may sinasabi ka sa akin. Or yung mga pagkakataon na parang 'wala lang' yung presensya mo para sa akin.

Sabi sa akin dati ni friend, ang transparent ko daw. Nakikita niya raw kasi sa mukha ko kung ano yung nararamdaman ko. Minsan tuloy, gusto ko itanong sa'yo, may nababasa ka ba sa akin? Nakikita mo ba yung pagsimangot ko tuwing pauwi na kayo ng gf mo. Oo naman, alam ko naman na may ka-relasyon ka na. At sa nakakainis na pagkakataon, huli ko na nalaman. Nagbibiruan lang kami ng housemates ko na malamang may ka-live in ka na. Wala nga, pero may gf ka na. At mukha namang happy kayo.

Naaalala ko pa nung una kitang na-meet, medyo naiintimidate ako sa’yo. May tendency ka kasi na magmukhang suplado. Feeling ko nga noon, binabantayan mo yung mga kilos ko, at naghihintay ka lang kung kailan ako magkakamali. Ganun ako ka-paranoid nun pagdating sa’yo. Para akong naka-apak sa numero pag nasa tabi-tabi ka lang.

Until one time, nagkaroon ng chance na magkausap tayo. Nakipagbiruan at nakipagtawanan ka pa nga nun. Aba, okay ka pala. Mula noon, hindi na ako masyadong naiilang sa’yo. Natutuwa na ako pag nakikita kitang ngumingiti. Para akong engot na ngumingiti mag-isa pag naririnig ko yung tawa mo.

Naririnig-rinig ko lang dati na taken ka na. Pero hindi ko ma-confirm. Ayoko pa naman na nagkakagusto sa mga taong taken na. Sakit sa puso lang ang kapalit nun. But as it turned out, taken ka na nga pala.

Tumatawa pa rin ako pag nakikipagbiruan ka sa akin. Tinitingnan pa rin kita ng deretso pag kausap mo ako. Pero hindi na katulad ng dati. Nalulungkot na ako ng hindi ko sinasadya, nagiging pilit na sa pandinig ang mga tawa ko.

Tinanong mo ako kung napipikon na ba ako sa mga pang-aasar mo. Umiling ako.

Sa susunod na pagkakataon, baka makatawa ulit ako ng bonggang-bongga pag inasar mo ako.
Sa ngayon, sasanayin ko muna ang sarili ko sa konsepto na taken ka na talaga.

Madali lang naman yun.

Monday, March 16, 2009

Flirt

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nasabihan ng nambo-boys at ng flirt. Ako? Of all people? Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Gusto ko ma-offend. Gusto ko maasar. Gusto ko, pero tatawa na lang ako.

Flirt ako.

Flirt ako.

Flirt ako.

Teka lang, iko-convince ko pa ang sarili ko. Hahah.

Nung may nagsabi sa akin nun, tinanong ko yung isa kong ofismate-slash-friend kung ako ba talaga ay isang dakilang flirt. And to quote him, "Hindi, misunderstood ka lang. Happy ka lang talaga lagi.At hindi ka lang nila kilala."

OKay. I get it. Hindi ko talaga alam kung ano kinalaman ng pagiging happy, pero na-appreciate ko naman yung sinabi niya. At na-appreciate talaga ng bonggang-bongga.

Point taken. Hindi nila ako kilala. Napaisip pa rin ako. Ano ba ginawa ko para isipin nila yun?

Sanay na talaga ako na maging close sa mga boys. Marami din kasi ako na lalaking kaibigan. Noong college, sa kawaii, mas marami ang boys kaysa sa girls. Yung dati kong ka-relasyon, puro lalaki ang classmates/barkada, yung iba sa kanila naging kaibigan/kabatian ko din naman. Sa paper, ilan sa mga pinaka-close ko ay yung mga kasabayan ko, at yung mga naiwan na mga lalaki din. Sila yung mga kasama ko hanggang sa mga huling laban ko. Ouch, bakit ba huli sinabi ko?? Edit. Edit. Huli, so far.

Inaamin ko naman na medyo napapadalas ang pagkakaroon ko ng crush. Eh, crush lang naman. I don't fall for a friend. Paglilinaw lang. Hindi pa nangyayari na nagkagusto ako sa isang kaibigan ko. Ang pwede lang mangyari, maging kaibigan ko yung crush ko. Yun na.

Natutuwa ako dahil medyo marami akong guy friends. Hindi ko sila talaga barkada, or super bestfriends, pero whenever I need a shoulder para mag-emote, ayan lagi sila, present para makinig. Present para pagsabihan ako sa mga kalokohan ko. Present para sabihin sa akin, okay ka lang na ganyan ka. Pag sa kanila kasi, I don't feel the need to be someone else. Sakto lang. Oops, ganun din naman ako sa mga girl friends ko. Sa mga super close na girl friends, take note.

Okay, so back to business. Ano ba nagawa ko para masabihan ng ganun? Nung first time ako masabihan ng ganun, medyo napaisip na nga agad ako. Teka lang, lumalandi na ba ako? Ako ba talaga yung kausap niya. Pero, hello, dalawa lang kami nung moment na yun, at sinabi niya rin sa isang common friend, pabiro siguro. Still, same insinuation.

Hmm. Ako kasi yung tipo ng tao na pag komportable ako sa isang tao, komportable talaga ako. Makikipagkwentuhan ako to the max. Makikipagbiruan to the max. Feeling super friends.

Let's put it this way.

Kung ang pagiging malandi is by treating your guy friends just like your girl friends, then, you can call me one.

Kung concern ako na maysakit ang kaibigan ko, or kung appreciative ako sa lahat ng mga natutunan ko sa kanila, then sige na nga, malandi na ako. Pero, ganun na ako. I never intend to change for anyone. Kahit in general perspective na ganun na yung thinking sa akin, okay. Basta, hindi ako guilty.

Na-appreciate ko kasi sila dahil lagi silang nakikinig. Lagi sila may sasabihin sa akin. Natutuwa ako na kahit minsan mang-aasar muna sila, ituturo pa rin nila yung dapat ko malaman. And to add, they can say anything to me. Anything. And really, frankly. Kahit masaktan ako, kahit mainis ako, they won't sugarcoat it. Pag ayokong magsalita, o ayokong makipag-usap, they know kung kelan nila ako bubuwisitin pa or kung kelan dapat na silang manahimik.

This is me.
Take it or leave it.

Saturday, February 21, 2009

mga larawan.

02.13.2009


02.20.2009




Thursday, February 12, 2009

Status

'di kita maabot.

iyan ang bago kong status message sa messenger ko at sa friendster shoutout. kanina, dalawa kong ofismate ang nagsabi na umakyat ako ng mesa para maabot ko. pagbukas ko naman ng friendster ko, may dalawang friendster comments din ako, sabi din, tumuntong ako ng mesa. hay. isang mahabang buntunghininga. sana ganun kadali yun. minsan, gusto na lang kitang titigan para ndi ka mawala. minsan, gusto ko lang makita yung mga ngiti mo. at minsan, masaya na ako na marinig ang boses mo.

ambabaw ko.

natutuwa ako pag nakikipagbiruan ka sa akin. feeling ko lang, ayan ka lang, abot-kamay. pero ilang minuto lang yun. ilang minuto lang yun sa ilang oras na kasama kita sa araw-araw.

nangingiti na lang ako pag bigla mo ako ngingitian. may existence naman pala ako para sa'yo. napapansin mo rin naman pala ako kahit konti.

hay.

ang taas mo.

bakit ba nandyan ka na agad at ako nandito pa lang?

malapit na yata kita hindi makita.

malapit na yata matapos yung nakasanayan.

malapit na yata.

mamimiss ko yung mga iilang minuto mo na pagbibiro.

mamimis ko yung malutong mong tawa.

mamimis ko yung mga ngiti mo sa akin.


hay.


sana,

bumaba ka naman dito.

Monday, February 2, 2009

you are my moment's happiness..

thank you. :)

Wednesday, January 28, 2009

this is the day

Regular na ako.

Pinag-isipan ko talaga kung mag-ba-blog ba ako ngayon. Iniisip ko na wala namang espesyal na nangyari. Ngunit, subalit, datapwat,happy ako dahil regular na ako sa aking current job. Congrats sa atin, Jelai! :) Despite the global financial crisis, we have survived. Sana magbilang pa tayo ng mga taon dito sa ating company. :)

***

Pina-cut ko na ang internet connection ko sa bahay. Not because of poor connection, pero dahil sa hindi ko na nagagamit. Nasa Manila kasi ako most of the time. Dahil sanay na ako na laging connected, I just settle on having a PlugIt kit. So far, okay pa naman. Napagtya-tiyagaan ang minsang may kabagalang connection.:)

***

Kinuwento ko kay Lhz kahapon na mejo naiintimidate ako sa tao na ito kasi feeling ko, ang sungit niya sa akin. Hindi niya ako masyado binabati. I don't feel appreciated. Iyon pa naman yung kinakalungkot ko madalas. Pero kanina, mejo natuwa naman ako nung lumapit siya sa akin. May tinanung siya. At nakipagkwentuhan din siya sandali. I wont say the details na lang. Basta, natuwa talaga ako. :)


Friday, January 23, 2009

ikaw at ang ulan..

nami-miss ko na ang mga panahon na umuulan at bigla mo ittanong sa akin kung nalulungkot ba ako..


Saturday, January 10, 2009

Kuwentos (plural ng kuwento)

Pampam lang ang blog title ko. Hahaha.
In-edit ko nga pala ang profile ko sa Friendster account ko. See picture below. Click to enlarge.



Bigla naman ako napaisip. War mode ako? Hahaha. Tatawa lang. Oo, Badtrip ako. Sa isang ubod na sinungaling na tao. I have means. I will know the truth in your lies. Shit! Sabi nga ng status ko sa ym, "the last time I will ever believe in you", at nag-pop ka pang damuho ka, sino pala kaaway ko?? Oh well. Hindi po ako bitter mode. Badtrip lang talaga. Wait and see, I'll fly higher than you can!

On a lighter note, na-receive ko ang huling gift from Kris Kringle this January 5 lang. Post-Christmas gift giving. Hehehe. Thanks Vince for the pillow. Loving Mickey na. Medyo madami-dami din pala akong gifts na na-receive this Christmas, sa Kris Kringle din namin sa Testing, I asked for a book, yung Love in the Time of Cholera. I just remembered Ate Nona saying na maganda daw yun. But unfortunately, wala pa ako time na basahin siya. Details later. :)

Thanks din pala to Jelai, my Team Lead, sa kanyang stationery set na gift. To Kekel and Tita Jaye, sa chocolates. Thanks Zowee sa cellphone pouch (lahat kami may gift, waw!). And to another Jelai in my life, sa aking friend, sa VS. To EA sa Enchanted Kingdom na discount pass, sana maka-EK ako. Hehehe. :)

I love receiving gifts/surprises. Ewan ko ba. Napaka-tipikal ko pagdating sa bagay na yun. I am one of the many who enjoys tearing the wrappers, para may kasunod pa. Hahaha. Niregaluhan ko rin nga pala ang sarili ko nung Christmas. Dahil ako ay certified kuirpot, medyo matagal ko pinag-isipan kung bibilhin ko ba yung bag na nagustuhan ko, at after ten years na pagmumuni-muni, binili ko naman siya. I just convinced myself na iyon na yung regalo ko sa sarili ko. At ang next target na regalo ko sa sarili ko ay isang portable harddrive. Goodluck. Ano kaya magandang okasyon para maibigay ko yun sa sarili ko? Lol.

Siyempre, ang pinaka-best gift na na-receive ko nung Christmas is that I am already deployed to a project. Finally. Medyo mahal ko na ang Accenture, ilang weeks na lang, certified one of the best people na ako, as according to Bing. And I am still counting. Keeping my fingers crossed. :)

Back to the topic kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din nababasa ang Love in the Time of Cholera na book, kasi nakalimutan ko siya iuwi sa aming probinsiya nung long vacation. Sayang. At back to work na ako nung Monday. Medyo madugong work na ito. Spending most of my time in the office, buti nakaka-survive pa. Toxic kung toxic. Ang sarap magbabad sa office. Buti na lang mahal ko ang ginagawa ko, kung hindi baka nag-collapse na ako. Sabi ko nga kay Che, despite everything, mahal ko na ang trabaho ko. And I couldn't imagine myself anywhere else in the next two years but just here. Right beside the Tiger. :)

Pinahiram nga pala ako ng book ni Jeng, isa ko pang ka-team, yung When God writes your Love Story. Hindi ko pa siya natatapos. Paputol-putol lang ang basa ko, bago ako matulog. So far, so good naman. At ako na lang yata ang taong hindi pa nakakabasa ng Twilight. OMG. Wala lang siguro akong interes kina Edward at Bella. Ita-try ko basahin kahit yung Twilight lang. Napanood ko naman yung movie. At least, may konting picture na ako. Speaking of libro, kahit certified kuripot ako, binili ko na yung libro ni Ricky Lee, yung Para kay B (O Kung Paano Dinevastate ng .Pag-ibig ang 4 out 5 sa Atin). 250php lang naman yun pero to the highest level na yata ang wala sa lugar na kakuriputan ko. Hahaha. Nagustuhan ko naman siya. Not the typical story, pero may sense. Sabi nga niya, may quota ang pag-ibig. At sa bawat limang umiibig, isa lang ang nagiging maligaya. Nice, db? Napa-smile nga si Lhz nung binaggit ko yun, in fairness, nabasa na rin niya.

Ang daming malungkot sa paligid ko, kaya sabi ko sa sarili ko, bawal ako malungkot. Hindi naman ako malungkot dahil sa isang partikular na bagay, ang tao pala talaga, may mga moments of sadness. Mahirap iwasan. Pero sabi nga ni Kristel, happiness is a choice. And despite all the odds, I chose to be happy. :)

Saturday, December 27, 2008

Sane

Happy. I am happy. My heart is not breaking anymore. But I guess, it also stopped beating. I prefer it this way.

I am on Sun. I have been a loyal Globe subscriber for years, but decided to switch primary network. Perhaps, because I need to pick the little pieces of my fragile heart. I need to stop doing something I am totally addicted with. I need to be myself again. I lost 'her'. Two years ago, and was not able to claim her back.

Last Christmas, I was all asleep when the clock ticked to 12mn. Early the next day, I got a message from him. Grateful for the friendship. Appreciated of the presence. And I smiled.

I have a Facebook. I have been a loyal Friendster member, and declined all the requests from other social networking sites from the past year. Yet, today, I decided to try on Facebook. He asked. And I answered, looking straight into his eyes, I have moved on.

She is back. The person that I lost two years ago. She is here. And she already let go of the memories that put her into insanity. Today, she breathed a new life.

For some reasons, my heart is not beating for anyone else. Maybe, it will be on this state for the next months or so. She has been bruised. She was nurtured back to life. She is out of her comfort zone. Time to face the world, and fly.

Saturday, December 6, 2008

Tough.

Ano ba nararamdaman ko?

Hindi ko alam. Mas tama siguro sabihin na ayokong isipin. I hate to be at the losing end. Yun na siguro yung pinaka-tamang sabihin.

Nandito ako sa kung saan ko gustong mapunta, at hindi ko alam kung ano gagawin ko pag kailangan ko na lumisan. Inaamin ko, hindi ako kasing-saya, kasing-kuntento, at kasing-fulfilled ngayon kung ikukumpara sa gusto ko, ngunit, I'm taking each steps at a time...

Siguro, natatakot akong gumulong pababa bago ko marating yung tuktok. Natatakot ako.

Friday na naman. Malungkot. Ako na lang mag-isa.

Iniisip ko kung saan ko pa gusto pumunta bukod sa kung nasaan ako ngayon. Hindi ko alam. Hindi ko maisip.

Ayoko ng insecurities na binibigay sa akin ng sitwasyon. Hindi ako sanay nun. Bago lang sa pakiramdam, at hindi ko alam kung kaya ko i-handle.

Ayoko ng depression na pinaparamdam sa akin ng mga pangyayari. Sawa na ako sa stage na yun. Nalagpasan ko na yun, matagal na panahon na.

Ayoko ng uncertainty na lumulukob sa pagkatao ko. Gusto ko laging sure.

Ayokong matalo. Hindi ako sanay.

Bukas.

Hindi ko alam kung nandito pa ako. Basta ang alam ko, I put a good fight.

Monday, November 17, 2008

miss na kita.

sobra..

realizations.

hindi naman kailangan na lagi mo ako nakikita o lagi ka nakaka-receive ng SMS mula sa akin para masabi mo na nandito ako..

hindi naman kailangan na lagi kita kinakamusta para malaman mo na may pakialam ako sa'yo..

basta, nandito lang ako.

kailangan ko lang ng kaunting space para makahinga.

umabot na ako sa dulo.

yun na yung deciding point.

hindi ko kayang makita yung matagal ko ng gustong malaman mula sa'yo.

tama na yung minsan.

hindi mo alam, pero alam ko.

ikaw pa rin ang isa sa mga most trusted friends ko.

gusto kitang lapitan.

gusto kitang kausapin.

gusto kitang makasama.















alam ko na ayaw mo ako masaktan kasi nga close tayo.















pag ready na ulit ako, sana nandyan ka pa.




Saturday, October 25, 2008

Cut na!

siyet pala.

ganito pala feeling. parang gusto ko maging imbisibol, parang gusto ko maging bato kahit sa moment lang na ito.

mas masakit pa ito sa masakit. as in sobrang sakit. parang gusto mo diktahan yung puso mo na ito lang yung dapat niya maramdaman. parang gusto mo sabihin na, "buset, tumibok ka ng normal."

gusto ko sumigaw. gusto ko magwala. ano ba? ganito pala un. cge, tawa pa. ayus lang.

gusto ko umiyak, gusto ko umiyak. kahit sa ilalim lang ng ulan. cge na, ngayon lang. gusto ko sabihin sa sarili ko na, "aminin mo naman na nasasaktan ka din. aminin mo na."

hinga lang ng malalim.

hindi kita matingnan..

hindi kita matingnan..

ni hindi kita matingnan..

iba pala pag ang pelikula, showing sa big screen, at iba din pag napanood mo ung shooting. mas totoo pala talaga pag live mo na nakikita. mas nararamdaman mo ang akting ng mga artista.

naririnig ko ang hangin.

alam ko na.
mas naiintindihan ko na.

siguro naman ngaun, maniniwala ka na pag sinabi ko na nasasaktan na ako.

ikaw lang pala ulit yung magpapaiyak sa akin.

ayos lang.

kaibigan kita.

naiintindihan ko na.

sana ikaw, maintindihan mo din.






... na kailangan ko muna lumayo at kalimutan ang pesteng nararamdaman ko.

**pasintabi

Saturday, October 11, 2008

battery empty.

bisi-bisihan ako ngayon. may mga deadlines ako na dapat tapusin. pero nakukuha ko pa mag-text at mag-chat.

chat. ginamit ko yung link ng yahoo mobile, at naisipan kong i-set ang mobile status message ko.


'gusto ko na mag-battery empty.'

ganyan ka-simple.

ganyan din ka-simpple ang mensahe ko.

naiisip ko, bakit ba may charger ako lagi. parang laging ready-to-go lang. pag may warning na ng low battery, kukunin ko na agad yung charger bago pa umulit ang isa pang warning. dapat hindi mag-battery empty.

bakit?

.. para maka-respond pa ako sa mga sms sa akin.

gusto ko lagi akong nanjan. eto na naman ang feeling superhero syndrome ko. lagi na lang ako dinadala sa matinding emotional turmoil. kulit kasi. hindi nga ako superhero..

pero sige, para sa inyo. Go!
kukunin ko lang ang charger ko, itsa-charge ko lang ang mobile fone ko.

baka naman sakaling yung mobile fone ko na mismo ang bumigay, baka siya na mismo magsabi na over charging ka na. tama na.

pero, ilang taon na ba, ilang sim card na ba ang dumaan. ilang mobile network na ba ang nagpalit-palit, pero lagi akong full-charged para sa mga sms.

ilan na ba ang dumaan? bakit laging may nakahandang charger?

ang dami kong naka-save na forwarded messages sa fone ko, ang daming personal messages na wala ng kahulugan, ang daming alaala na matagal ng binitawan.

bakit pagod na ako? bakit ganyan ka?

sa paulit-ulit na pagpapahiram mo ng charger, paulit-ulit ko naman itong inaabot para mai-charge ang battery ko. kapag full charge na ulit ako, nandyan ka na naman. masaya. hanggang unti-unti namang dumating ang low battery warning.

oo. ikaw nga. ikaw nga ang laging may sad after effect.

kailangan laging mag-low battery. kailangan laging malungkot ang ending. naiinip na ako na mag-battery empty.

sabi ko,
gusto ko na mag-battery empty. sobra-sobra na ang nare-received ko na sms.

sabi ko,
kahit ilang araw lang na hindi ako mag-charge.

masakit na kasi.

pero eto na naman ako,
inaabot ng pilit ang charger.

1 message received.

2 messages received.

reply.

kumusta?



sana mag-battery empty na ako.




wala naman akong space sa inbox mo.





Wednesday, September 24, 2008

trip.

takot ako.



takot ako na mahalin ka ng mahalin, dahil katulad ka ng isang libro na kahit matagal ko nang tapos basahin, hanggang ngayon, hindi ko pa rin naiintindihan..






sabihan mo na lang ako pag may translated version ka na. *sigh*

Sunday, September 14, 2008

...

sana, ako talaga si superman, para lahat ng bagay, kaya kong gawin. kaso feeling superhero lang ako.


sorry.